Lihim-ni.scarty.com

December 30, 2007

Maligayang Bagong Taon!

Filed under: Kwentuhan — Tags: , — Scarty @ 8:36 pm

Bukas na ang bisperas ng Bagong taon dito sa Ustados Unidos pero pakiwari ko ay malayo pa ang bagong taon tulad ng naramdaman ko nong nakaraang pasko. Sadya yatang walang interest ang mga tao dito. Sana naman bukas may makita ako kahit kunting fireworks at may marinig na kaunting paputok.

Siguro kung nasa Pinas ako malamang ang saya-saya na ngayon, masyado ng abala ang mga tao sa paghahanda. Bumper to bumper na siguro ang traffic… hay nakaka-miss ang Pilipinas.

Kahit na mukang hindi bagong taon ang lugar namin dito ay syempre may sariling paghahanda kami. Magluluto parin ako ng ilang putahi para bukas. Sa katunayan nga habang ako’y nagsusulat nito ay naglilista ako ng kelangan bilhin pa para bukas. Syempre sagana na naman ang hapag kainan bukas kahit sa simpleng putahe lang. Sa susunod ko nalang sasabihin kung ano yung mga pagkain na inihanda namin pero siguradong hindi mawawala ang bilogang prutas tulad ng ubas, mansanas, orange at kung ano ano pang prutas na bilog. Kung meron lang sana akong polkadots na damit eh susuotin ko rin bukas hehehe. Sana noh meron akong mabiling torotot dito para kay Yuna. Tulad nong nakaraang taon tuwang-tuwa sya sa torotot nya.

Sa totoo lang kahit wala ang mga pinagsasabi ko sa taas, kahit wala ang tradisyong pinoy ngayon bagong taon nato sa amin eh syempre masaya parin ako dahil buo kami ngayon bagong taon. Sabi nila diba pag buo ang pamilya sa darating na bagong taon ibig sabihin buong taon kayong mag-sasama. Kaya simula sa bagong taon na ito siguraduhin kong buo kami lagi hanggang sa susunod pang mga taon :mrgreen:

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! Naway magkaron tayo ng masagana at matiwasay na pamumuhay sa buong taon…

December 26, 2007

5 months and 3 weeks

Filed under: Kwentuhan, Mga Litrato — Scarty @ 2:31 pm

My baby bump, matagal ko na dapat itong na-i-post. This pictures was taken 3 days ago. So medyo wala pa din pinag-kaiba ang laki ng tyan ko ngayon. Medyo nahihirapan narin ako huminga saka hindi na ako makakain ng madami kahit gusto ko pa. Feeling ko kasi parang lalabas na ulet ang kinain ko eh. Sobrang likot na ng baby sa loob ng tyan mas malikot pa kay Yuna. Minsan nahihirapan ako matulog dahil sa kalikutan nya. Ito ang weird sakin never ko talaga na-appreciate ang pagbubuntis. You know why? Una - nahihirapan ako kumilos, pangalawa - hindi ko nagagawa lahat ng gusto kong gawin at pangatlo - madalas unexpected ang pagbubuntis ko. Yung bang tipong wala sa plano kaya minsan medyo nakaka-depress. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na hindi ako masaya dahil pag lumabas ang baby umiiyak ako sa tuwa at excitement. Masarap kasi mag-karga ng baby. Masarap syang alagaan. Basta iba ang feeling kaya nga hindi na ako maka-antay na lumabas ang bagong baby namin. Iniisip ko ano kaya itsura nya? Kung lalaki ang baby namin ano kaya ang feeling ng may baby boy? Kamuka kaya nya si Yuna? or Kamuka sya ng daddy nya. Basta isa lang yan sa mga iniisip ko hehehe…

O sya ito na ang pictures ng tyan kong hubad hehehe suot ko dito yung maternity pants na bigay ni Noreen. Wag nyo pansinin yung CS surgery ko ha medyo panget tignan eh hindi bikini style pano si luvski tinanong ng doctor kung ano klaseng tahi hindi makasagot kaya ayan ang naging resulta. Ok naman din kahit hindi bikini style kasi parang line lang sya. Pag 8-month na tyan ko papicture ulet ako :wink:

Pahabol lang dito muna ako blog ngayon para mabilis kung sa scarty.com kasi kailangan ko pang basahin ng ilang beses para sa mga grammatical errors. Dito madali lang kasi tagalog hehehe
[Private Content Removed]

December 20, 2007

I-model daw eh!

Filed under: Mga Litrato — Scarty @ 8:33 pm

Dahil sa request nyo ito na yung pictures suot ang maternity clothes na bigay ni Noreen like ko talaga silang lahat kasi it made me sexy hehehe. Ang cute kasi ng mga damit… Muli pasensya na kasi may kalabuan ang mga litrato pano cellcam lang gamit k0. Hindi ko magamit ang point and shoot camera ko kasi walang memory card.

Sa susunod kong entry magpopost ako ng picture ng bare tummy ko kung gaano na kalaki :wink:

5 months and 3 weeks 5 months and 3 weeks

5 months and 3 weeks 5 months and 3 weeks

5 months and 3 weeks

December 19, 2007

Regalo galing kay Noreen!

Filed under: Pasasalamat — Scarty @ 12:25 am

Kanina umaga dumating na ang package galing kay Noreen of Babykissed.net binigyan nya kasi ako ng mga maternity tops and pants. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nong makita ko ang mga bigay mo. Bukod sa kasyang-kasya sakin eh ang gaganda pa, talagang mapapakinabangang ko ito lalo na’t wala pa akong pera pambili ng maternity clothes at sobrang mahal ng maternity clothes dito. Wala akong mabili sa TJ max at Marshall dahil wala silang section for maternity. May kamahalan din kung bibili ako sa Old Navy at Gap. Maraming salamat talaga Noreen hulog ka ng langit hehehe at least nakamura na ako para sa kailangan kong bilhin. Ang bibilhin ko nalang ay yung winter boots para sa akin at kay Yuna. Kailangan namin talaga ng boots dahil madulas ang daan dito sa kapal ng snow tapos yung ibang apartment hindi naglilinis ng paligid nila. Naiipon lang yung snow sa daanan ng building :roll:

Balik tayo sa mga bigay ni Noreen, binigyan nya ako ng apat na maternity pants at apat din na maternity tops. Maraming salamat talaga Noreen ang gaganda nila, i like it very much. hahaha ang kulet ko eh noh? paulet-ulet… Natutuwa lang talaga ako at nagkaron ako ng kaibigan tulad ni Noreen. Kanina sinuot ko na sya, nagpunta kami ni Yuna sa Martket Place para bumili ng fresh milk, white bread and rice. Excited eh noh sinuot agad :lol:

Ito nga pala mga pictures ng maternity clothes, pasensya na at malabo eh cellcam kasi tapos ngayon gabi ko lang kinuhanan kaya madilim.

maternity clothes

maternity clothes

Ang gaganda pa nila ano? Swerte ko talaga hehehe

December 14, 2007

Naghahabol sa Christmas present…

Filed under: Kailangang Gawin — Tags: , — Scarty @ 8:09 pm

Ilang araw na din akong paspasan sa pagsusulat ng Christmas card kasi para makahabol ako dun sa malalayo lalo na yung mga taga pinas. Kanina naipadala ko na yung first batch Christmas card mga walo ata yun. Gagawa na naman ako ulet ngayon gabi habang nanunuod ng Marimar hehehe :lol: Hindi na ako sanay mag-sulat namaga agad yung middle finger ko sa kaliwa madiin kasi ako magsulat eh. Bukas din aayusin ko na yung package na ipapadala ko sa amin sa Pinas. Aayusin ko ulet kasi hindi magkasya napuno na yung isang malaking kahon. Ayaw ko naman magdagdag ng isa pang kahon kasi alanganin at saka medyo mahal ang padala $75 din.

Malapit ko na nga pala i-host yung bago kong domain na actually matagal ko ng nabili kaso dahil sa mahal kumuha ng virtual private server nagbago ang plano ko. May nakita akong affordable hosting pero by next month ko nalang sya gagawin dahil kailangan magbayad ng yearly saka mas tipid kung yearly kaso wala akong sapat na pera sa ngayon madaming gastos ngayon Desyembre kaya ipagpapaliban ko muna by next year na nga or next month January. Saka gagawa na din ako ng bagong wordpress theme para sa scarty.com at dalawa pang blog na magkaiba ang content pero intended for extra money income. Ang dami kong kailangan gawin kaya kelangan gumawa ako ng “to do list” para alam ko kung ano uunahin :roll:

Nga pala maraming salamat sa lahat ng nagiwan ng reaction nila sa mga pribadong entry ko. Nagustuhan ko talaga itong bago kong blog dahil komportable ako magsulat hehehe. Cge guys maraming salamat sa pagbisita dito. Nga pala itong blog na to nakahide sa search engine at spider crawlers kaya private talaga sya :wink:

Nga pala salamat Lin sa christmas card na pinadala mo :wink:

Newer Posts »

19 queries. 1.295 seconds. Powered by WordPress 2.6 Hits today: 0