O kala nyo kung ano, ano? hehehe balak ko na ilipat ang blog na ito sa dollie network kasi ang scarty.com eh masyado ng crowded. Nakahost din ang photoblog ko dun at isa pa madalas dun din ako nag-uupload ng pictures para ipost sa blog ko, de lang yun pati mp3 nag-uupload din ako. So, magandang ilipat na ngalang mga entries ko dito sa dollie network. Hindi ko pa sya maasikaso ngayon dahil wala ako sa mood mag-ayos-ayos ng theme or magkalikot-likot ng codes. Madalas ako mag-update sa scarty.com dahil sa mga sponsored post ko panget naman kasi kung pure sponsored nalang ang andun so kinakailangan ko talaga syang i-update. Dito naman kasi sa blog na ito ay puro deep thoughts ko ang sinusulat ko mga saloobin kumbaga. At isa pa kung hindi ko ilipat mga entries ko dito sa dollie network eh hindi ko na alam ano isusulat ko dun ayaw ko naman maging private blog lang.
So ayun, nga pala kilala nyo ba si Christine ng HappySlip.com? Alam mo tuwang tuwa ako sa blog nya kasi napakatotoong tao nya hindi katulad ng ibang blogger gumagawa ng kwentong hindi naman totoo para lang mapag-usapan. Nakakatuwa ang blog nya kasi may video blog din kasama. Saka natural yung pag-act nya sa mga videos nya. Ang galing din kumanta with matching gitara pa. At ito pa medyo hawig nya si Noreen hehehehe. Nasa pinas nga pala sya ngayon kasi binigyan sya ng sponsorship ng Philippine tourism. Pano naman kasi sikat na ang blog nya kaya ayun pati sikat din sya sa youtube.
O sya hanggang dito nalang at kami ay manunuod ng movie ni Luvski day-off kasi nya bukas. Ito nga kanina pa ako kinukulet eh 
[Private Content Removed]
Ngayon araw nato may dalawang rason ang pagkainis ko…
[Private Content Removed]
Kanina galing kaming ospital kasi gusto ko na magpa-check up ulet kaso pala hindi na pwede dun sa dating doctor ko since meron na kaming private insurance eh kailangan maghanap na kami ng ibang doctor na available dun sa insurance ng asawa ko. Inaayos nalang namin yung bill namin dati. Pano ba naman kasi na-charge kami kahit meron ako nong MEDICAID yun pala hindi pumasok yung record ko kaya ayun nakatangap kami ng bill from previous hospital. Sabi nong medicaid agent aayusin daw nya yung record para ma-cancel yung bill. Sayang din yun ha almost $200 din noh.
Nong una plano ko ituloy nalang MedicAid kaso napag-alaman namin na hindi rin pala maganda kasi 50% lang ang babayaran nila sa lahat ng gastos ko pag nanganak. Mas maganda pa pala yung private kasi 20% lang babayaran namin tapos sa check up naman 10% so mas makamura kami although may bayad yung bawat check-up. Sa MedicAid kasi walang bayad yung bawat check-up ko eh
pero mas gustuhin ko na yung bayad kada check-up kesa naman kalahati babayaran namin sa panganak ko
Excited na ako magpa-ultrasound hehehe pacontest kaya ako sa inyo noh? huhulaan nyo gender ng magiging baby namin tapos ang price money transfer to paypal. what do you think? 
Yup, nakahinga na ako ng maluwag dahil tapos na ako sa ginagawa kong wordpress theme, bukas ko na sya i-install sa unang kong blog. Matagal ako gumawa pano kasi mabusisi ako eh. Meron akong naiisip na concept pero hindi ko alam kung pano ko sya i-code ng validated parin ang CSS ko. Marami talaga akong kelangan matutunan pa sa CSS at habang gumagawa naman ako eh madami din akong natutunan kasi isa sa mga dahilan din kung bakit matagal matapos ang coding ko ay dahil nagsesearch pa ako ng tutorial ng CSS. Gusto ko talaga matuto ng advance CSS na. Naiingit kasi ako sa mga magagaling mag-code eh para bang tipong nagagawa nila kung ano yun gusto nilang mangyari sa website nila. Nagagamit nila yung special effects na sa printing lang madalas nagiging posible ang outcome.
Weee, excited sa bago kong theme hehehe sana hindi magka-problema pag-ginamit ko na sya. May next project ulet akong wordpress theme na ibibigay ko sa isa sa online buddies ko pero surprise yun kung sino
Sya nga pala, wala akong planong mag-upgrade ng wordpress sa ngayon kasi may error ang category cloud plugin at wordcount which is isa sa mga favorite kung plugin
kaya sa susunod nalang pag-upgraded na ang mga plugins na nabangit ko.
Cge guys. Tulog na ako kasi maaga pa gising ko bukas. Humabol lang ako ng update dito kasi nagka-error itong blog nato eh kaya sinubukan ko lang kung ayos na nga ba. Bukas mag-bloghop ako sa mga blog nyo kasi miss ko na mga kwento nyo. Yung iba napupuntahan ko pero de ko nababasa lahat ng entries kasi lagi akong nagmamadali. O sya gudnyt all!