Pero busy parin kasi senisetup ko yung cellphone na bigay sakin ni Luvski from contacts to my email accounts para pwede na ako ulet mag-mobile blog. Ginagaya ko lang si gandang Noreen kasi parang convenient lalo na kung hindi ka makapag online using your laptop diba? So ayun, nga pala gumawa ako ng blogger account para sa photo blog ko. Yung snapies.scarty.com gagawin ko nalang syang pure photography using my real digicam tapos itong tagalog blog ko eh more on short post kung de ako makapag blog sa ibang blog eh dito nyo malalaman kung bakit hehehe arte eh noh?
Visit nyo my new blog snapies.blogspot.com bibili ako ng domain para dyan hehehe. Ayos pala yung blogspot ano? mukang madaling gamitin. Nakita ko yung dati kong account natawa ako kasi 2006 pa yun tapos iisang entry palang nagawa ko hahahaha scarty.blogspot.com
Waaa medyo busyhan mode dahil panay punta namin sa park ng mga kids. Kailngan sulitin ang summer dahil lapit na naman ang winter. Makukulong na naman sa bahay. Saka pabalik-balik din kami sa clinic para sa followup ng ipin ni Yuna at rashes ni freya. At isa pa, sira daw internet namin sabi ni comcast. Sobrang bagal!!! 48 yrs bago matapos ang buong homepage sa pag-load. Wala tuloy ako magawa online kundi bisitahin isa isa mga blog ng friends ko. Isang tab lng pwede hindi ari yung multiple tab nyahahahha. Madalas ako sa flickr nag-uupload ng pics at nagcocoment 
Comments Off
Spoiled much? Hindi naman… Binili lang namin kung ano yung mapakinabangan nya ng matagal. Maganda sya and I love it so much for Freya. Durable, lightweight, hindi masyado malaki at higit sa lahat girly ang kulay hehehe. Tinapon na namin yung isang stroller kasi nabili lang namin yun ng second hand hindi kasi makapag-antay ang daddy nya. Masyado excited ilabas si Freya nong mga 1 month pa lang sya. Luma na masyado yung stroller na yun. Kakarag-karag na and i cant take it anymore na ilagay pa si Freya dun. Its kinda expensive for $210 including tax sa stroller lang pero sige nalang worth it namn hehehe saka may kasama syang car seat na pwede ipatong sa stroller na magagamit nya hanggang mag 1 yr sya kung kakasya pa sya nyahahaha. Cute talaga ng stroller actually may natangap na agad akong compliments. Sabi ng nakakasalubong namin… “Cute baby, cute stroller” hehehe


Masaya ako…
Kasi gumaling na yung eczema ni Freya at sana wag ng bumalik.
Kasi hindi na mahirap alagaan si Freya.
Kasi hindi na masyado iyakin si Freya.
Kasi hindi na mahirap kargahin si Freya. Pwede ko na sya ilagay sa gilid ng bewang ko hihihi
Kasi na-upgrade ko na yung scarty.com at itong tagalog blog ko sa WP 2.6
Kasi gumana lahat ng plugins ko dito lalo na yung mga ginamit ko para sa private entry ko. Yehey!!!!
Kasi nakatangap na ulet ako ng bayad sa mga ginagawa kong paid post. Ipapadala ko yun amin
Ang tagal kong hindi nag-blog simula nong nanganak ako hindi na ako nakapag blog dito. So, ito susulat ulet ako dito pero kahit ano nalang itong blog na to wala ng rules para sa akin. Pero itong parin ang private blog ko 4ever and ever hehehe alam nyo naman ako. Ako yung tipong hindi mahilig magpa-palit-palit ng blog. Kung ano yung domain magtatagal yun. Saka ayoko kasi ng ganun pa-iba-iba baka mamya malito na sakin mga tao.
So anyways, nong nakaraang araw ay galing kami clinic pina-checkup namin mga bata at tulad nong nabangit ko sa scarty.com nagpa-dental checkup si Yuna at Freya naman pinacheck namin yung kanyang rashes na hindi naman pala rashes. Ayun kay doc eczema daw yun isang uri ng sakit sa balat na kelangan gamutin. 13 lbs na si Freya sabi ni doc ang bilis daw ng paglaki nya. Saka malakas daw mga buto nya kasi akalain mo ba naman pinaupo nya sa hita nya tapos hawak lang nya yung isang braso ni Freya tapos ngumiti lang sa kanya si Freya habang kinakausap. Ang cute cute daw ni Freya syempre tuwa naman si Mommy. Happy baby daw si Freya, meron daw syang baby girl, 9 months, grumpy daw nong kasing edad ni Freya. Sabi ko naman susko doc… She’s actually a fussy baby” sabi naman nya baka daw dahil iritable sa eczema nya. Nakikita naman daw kasi nyang masayahin si Freya. Smile kasi ng smile nong kinakausap nya.
Ito rekomendado nya:
Para sa eczema ni Freya na akala namin eh ordinaryong rashes lang.

Goodbye Johnson and Johnson na si Freya ito na ang bago nyang lotion at bath soap kasi oversensitive daw skin nya.

Ito naman ang para sa damit nya matapang daw yung ginagamit namin Tide para sa kanya.
