Basahin Nyo
Malugod ko kayong tinatangap sa “bukas na liham para sa tunay na kaibigan”. Kasalukuyan ko palang itong inaayos dahil gusto ko syang maging pribado talaga kaya pasensya na kung nagkakaroon ng biglang pagbabago. Nakapag-desisyon ako na magbukas ng pribadong “blog” dahil kailangan ko ng payo at kausap. Malayo ako sa aking mga magulang, kapatid at yung mga tinatawag na “offline friends”. Mabuti nalang at naimbento itong “online diary” kung saan nagkakaron ka ng tunay na kaibigan kahit hindi mo pa sila nakikilala ng personal. Naniniwala ako sa tinatawag na “instinct” kaya kita binigyan ng prebilihiyo na mabasa ang aking maganda o panget na sikreto dahil may instinct ako na makapagkakatiwalaan ka.
Sa kabilang banda, naisipan kong pagsamahin ang pribadong blog at regular na blog pero tagalog or taglish lamang ang gagamitin ko na salita at patungkol lamang ito sa personal kong saloobin at hinanakit sa buhay. Naisapan kong magbukas ng panibagong blog dahil yung scarty.com eh masyado na syang naging commercialized at hindi lang yun miss ko na gamitin ang sariling wika natin. Sana ay pag-ukulan nyo parin ito ng pansinin tulad ng pag-ukol nyo sa luma kong blog. Ang blog na ito ay naglalalaman ng pribadong kwento na piling kaibigan lamang ang makakabasa at makakaalam. Hindi kahit sino sa inyo ang makakaalam pwera nalang kung kayo ay binigyan ko ng karapatan. Gayunpaman ang ibang kwento dito ay bukas para sa lahat.
Maraming salamat sa pagbabasa, sa pakikinig, sa payong ibinigay at sa payong ibibigay mo.
Kung interesado ka mag Register ka lang at malugod kitang tatangapin kung ikaw ay karapat-dapat. Kung ikaw naman ay rehistrado na mag Login ka nalang. Salamat ulet… bago ka nga pala lumisan ay pakibasa ang tula sa baba na pinagtuunan kong hanapin para ipaabot ang mensahe sayo!