Spoiled much? Hindi naman… Binili lang namin kung ano yung mapakinabangan nya ng matagal. Maganda sya and I love it so much for Freya. Durable, lightweight, hindi masyado malaki at higit sa lahat girly ang kulay hehehe. Tinapon na namin yung isang stroller kasi nabili lang namin yun ng second hand hindi kasi makapag-antay ang daddy nya. Masyado excited ilabas si Freya nong mga 1 month pa lang sya. Luma na masyado yung stroller na yun. Kakarag-karag na and i cant take it anymore na ilagay pa si Freya dun. Its kinda expensive for $210 including tax sa stroller lang pero sige nalang worth it namn hehehe saka may kasama syang car seat na pwede ipatong sa stroller na magagamit nya hanggang mag 1 yr sya kung kakasya pa sya nyahahaha. Cute talaga ng stroller actually may natangap na agad akong compliments. Sabi ng nakakasalubong namin… “Cute baby, cute stroller” hehehe


Ang tagal kong hindi nag-blog simula nong nanganak ako hindi na ako nakapag blog dito. So, ito susulat ulet ako dito pero kahit ano nalang itong blog na to wala ng rules para sa akin. Pero itong parin ang private blog ko 4ever and ever hehehe alam nyo naman ako. Ako yung tipong hindi mahilig magpa-palit-palit ng blog. Kung ano yung domain magtatagal yun. Saka ayoko kasi ng ganun pa-iba-iba baka mamya malito na sakin mga tao.
So anyways, nong nakaraang araw ay galing kami clinic pina-checkup namin mga bata at tulad nong nabangit ko sa scarty.com nagpa-dental checkup si Yuna at Freya naman pinacheck namin yung kanyang rashes na hindi naman pala rashes. Ayun kay doc eczema daw yun isang uri ng sakit sa balat na kelangan gamutin. 13 lbs na si Freya sabi ni doc ang bilis daw ng paglaki nya. Saka malakas daw mga buto nya kasi akalain mo ba naman pinaupo nya sa hita nya tapos hawak lang nya yung isang braso ni Freya tapos ngumiti lang sa kanya si Freya habang kinakausap. Ang cute cute daw ni Freya syempre tuwa naman si Mommy. Happy baby daw si Freya, meron daw syang baby girl, 9 months, grumpy daw nong kasing edad ni Freya. Sabi ko naman susko doc… She’s actually a fussy baby” sabi naman nya baka daw dahil iritable sa eczema nya. Nakikita naman daw kasi nyang masayahin si Freya. Smile kasi ng smile nong kinakausap nya.
Ito rekomendado nya:
Para sa eczema ni Freya na akala namin eh ordinaryong rashes lang.

Goodbye Johnson and Johnson na si Freya ito na ang bago nyang lotion at bath soap kasi oversensitive daw skin nya.

Ito naman ang para sa damit nya matapang daw yung ginagamit namin Tide para sa kanya.
