Lihim-ni.scarty.com

December 14, 2007

Naghahabol sa Christmas present…

Filed under: Kailangang Gawin — Tags: , — Scarty @ 8:09 pm

Ilang araw na din akong paspasan sa pagsusulat ng Christmas card kasi para makahabol ako dun sa malalayo lalo na yung mga taga pinas. Kanina naipadala ko na yung first batch Christmas card mga walo ata yun. Gagawa na naman ako ulet ngayon gabi habang nanunuod ng Marimar hehehe :lol: Hindi na ako sanay mag-sulat namaga agad yung middle finger ko sa kaliwa madiin kasi ako magsulat eh. Bukas din aayusin ko na yung package na ipapadala ko sa amin sa Pinas. Aayusin ko ulet kasi hindi magkasya napuno na yung isang malaking kahon. Ayaw ko naman magdagdag ng isa pang kahon kasi alanganin at saka medyo mahal ang padala $75 din.

Malapit ko na nga pala i-host yung bago kong domain na actually matagal ko ng nabili kaso dahil sa mahal kumuha ng virtual private server nagbago ang plano ko. May nakita akong affordable hosting pero by next month ko nalang sya gagawin dahil kailangan magbayad ng yearly saka mas tipid kung yearly kaso wala akong sapat na pera sa ngayon madaming gastos ngayon Desyembre kaya ipagpapaliban ko muna by next year na nga or next month January. Saka gagawa na din ako ng bagong wordpress theme para sa scarty.com at dalawa pang blog na magkaiba ang content pero intended for extra money income. Ang dami kong kailangan gawin kaya kelangan gumawa ako ng “to do list” para alam ko kung ano uunahin :roll:

Nga pala maraming salamat sa lahat ng nagiwan ng reaction nila sa mga pribadong entry ko. Nagustuhan ko talaga itong bago kong blog dahil komportable ako magsulat hehehe. Cge guys maraming salamat sa pagbisita dito. Nga pala itong blog na to nakahide sa search engine at spider crawlers kaya private talaga sya :wink:

Nga pala salamat Lin sa christmas card na pinadala mo :wink:

20 queries. 0.282 seconds. Powered by WordPress 2.6 Hits today: 0