Lihim-ni.scarty.com

July 29, 2008

Im back na!

Filed under: Kwentuhan — Scarty @ 1:54 pm

Pero busy parin kasi senisetup ko yung cellphone na bigay sakin ni Luvski from contacts to my email accounts para pwede na ako ulet mag-mobile blog. Ginagaya ko lang si gandang Noreen kasi parang convenient lalo na kung hindi ka makapag online using your laptop diba? So ayun, nga pala gumawa ako ng blogger account para sa photo blog ko. Yung snapies.scarty.com gagawin ko nalang syang pure photography using my real digicam tapos itong tagalog blog ko eh more on short post kung de ako makapag blog sa ibang blog eh dito nyo malalaman kung bakit hehehe arte eh noh?

Visit nyo my new blog snapies.blogspot.com bibili ako ng domain para dyan hehehe. Ayos pala yung blogspot ano? mukang madaling gamitin. Nakita ko yung dati kong account natawa ako kasi 2006 pa yun tapos iisang entry palang nagawa ko hahahaha scarty.blogspot.com

July 22, 2008

Bagong Stroller ni Freya!

Filed under: Anakies Ko, Kwentuhan, Mga Litrato — Tags: , , — Scarty @ 4:28 pm

Spoiled much? Hindi naman… Binili lang namin kung ano yung mapakinabangan nya ng matagal. Maganda sya and I love it so much for Freya. Durable, lightweight, hindi masyado malaki at higit sa lahat girly ang kulay hehehe. Tinapon na namin yung isang stroller kasi nabili lang namin yun ng second hand hindi kasi makapag-antay ang daddy nya. Masyado excited ilabas si Freya nong mga 1 month pa lang sya. Luma na masyado yung stroller na yun. Kakarag-karag na and i cant take it anymore na ilagay pa si Freya dun. Its kinda expensive for $210 including tax sa stroller lang pero sige nalang worth it namn hehehe saka may kasama syang car seat na pwede ipatong sa stroller na magagamit nya hanggang mag 1 yr sya kung kakasya pa sya nyahahaha. Cute talaga ng stroller actually may natangap na agad akong compliments. Sabi ng nakakasalubong namin… “Cute baby, cute stroller” hehehe

July 18, 2008

Mga Rekomendado ni Doc!

Filed under: Anakies Ko, Kwentuhan — Tags: , , , — Scarty @ 5:28 pm

Ang tagal kong hindi nag-blog simula nong nanganak ako hindi na ako nakapag blog dito. So, ito susulat ulet ako dito pero kahit ano nalang itong blog na to wala ng rules para sa akin. Pero itong parin ang private blog ko 4ever and ever hehehe alam nyo naman ako. Ako yung tipong hindi mahilig magpa-palit-palit ng blog. Kung ano yung domain magtatagal yun. Saka ayoko kasi ng ganun pa-iba-iba baka mamya malito na sakin mga tao.

So anyways, nong nakaraang araw ay galing kami clinic pina-checkup namin mga bata at tulad nong nabangit ko sa scarty.com nagpa-dental checkup si Yuna at Freya naman pinacheck namin yung kanyang rashes na hindi naman pala rashes. Ayun kay doc eczema daw yun isang uri ng sakit sa balat na kelangan gamutin. 13 lbs na si Freya sabi ni doc ang bilis daw ng paglaki nya. Saka malakas daw mga buto nya kasi akalain mo ba naman pinaupo nya sa hita nya tapos hawak lang nya yung isang braso ni Freya tapos ngumiti lang sa kanya si Freya habang kinakausap. Ang cute cute daw ni Freya syempre tuwa naman si Mommy. Happy baby daw si Freya, meron daw syang baby girl, 9 months, grumpy daw nong kasing edad ni Freya. Sabi ko naman susko doc… She’s actually a fussy baby” sabi naman nya baka daw dahil iritable sa eczema nya. Nakikita naman daw kasi nyang masayahin si Freya. Smile kasi ng smile nong kinakausap nya.

Ito rekomendado nya:

Para sa eczema ni Freya na akala namin eh ordinaryong rashes lang.
hydrocortisone

Goodbye Johnson and Johnson na si Freya ito na ang bago nyang lotion at bath soap kasi oversensitive daw skin nya.
cethapil

Ito naman ang para sa damit nya matapang daw yung ginagamit namin Tide para sa kanya.
dreft

January 28, 2008

Moving on…

Filed under: Kwentuhan — Tags: , — Scarty @ 1:39 am

O kala nyo kung ano, ano? hehehe balak ko na ilipat ang blog na ito sa dollie network kasi ang scarty.com eh masyado ng crowded. Nakahost din ang photoblog ko dun at isa pa madalas dun din ako nag-uupload ng pictures para ipost sa blog ko, de lang yun pati mp3 nag-uupload din ako. So, magandang ilipat na ngalang mga entries ko dito sa dollie network. Hindi ko pa sya maasikaso ngayon dahil wala ako sa mood mag-ayos-ayos ng theme or magkalikot-likot ng codes. Madalas ako mag-update sa scarty.com dahil sa mga sponsored post ko panget naman kasi kung pure sponsored nalang ang andun so kinakailangan ko talaga syang i-update. Dito naman kasi sa blog na ito ay puro deep thoughts ko ang sinusulat ko mga saloobin kumbaga. At isa pa kung hindi ko ilipat mga entries ko dito sa dollie network eh hindi ko na alam ano isusulat ko dun ayaw ko naman maging private blog lang.

So ayun, nga pala kilala nyo ba si Christine ng HappySlip.com? Alam mo tuwang tuwa ako sa blog nya kasi napakatotoong tao nya hindi katulad ng ibang blogger gumagawa ng kwentong hindi naman totoo para lang mapag-usapan. Nakakatuwa ang blog nya kasi may video blog din kasama. Saka natural yung pag-act nya sa mga videos nya. Ang galing din kumanta with matching gitara pa. At ito pa medyo hawig nya si Noreen hehehehe. Nasa pinas nga pala sya ngayon kasi binigyan sya ng sponsorship ng Philippine tourism. Pano naman kasi sikat na ang blog nya kaya ayun pati sikat din sya sa youtube.

O sya hanggang dito nalang at kami ay manunuod ng movie ni Luvski day-off kasi nya bukas. Ito nga kanina pa ako kinukulet eh :roll:

January 9, 2008

Hayyyyy…

Filed under: Kwentuhan — Tags: , , — Scarty @ 2:54 am

Kanina galing kaming ospital kasi gusto ko na magpa-check up ulet kaso pala hindi na pwede dun sa dating doctor ko since meron na kaming private insurance eh kailangan maghanap na kami ng ibang doctor na available dun sa insurance ng asawa ko. Inaayos nalang namin yung bill namin dati. Pano ba naman kasi na-charge kami kahit meron ako nong MEDICAID yun pala hindi pumasok yung record ko kaya ayun nakatangap kami ng bill from previous hospital. Sabi nong medicaid agent aayusin daw nya yung record para ma-cancel yung bill. Sayang din yun ha almost $200 din noh.

Nong una plano ko ituloy nalang MedicAid kaso napag-alaman namin na hindi rin pala maganda kasi 50% lang ang babayaran nila sa lahat ng gastos ko pag nanganak. Mas maganda pa pala yung private kasi 20% lang babayaran namin tapos sa check up naman 10% so mas makamura kami although may bayad yung bawat check-up. Sa MedicAid kasi walang bayad yung bawat check-up ko eh :mrgreen: pero mas gustuhin ko na yung bayad kada check-up kesa naman kalahati babayaran namin sa panganak ko :roll:

Excited na ako magpa-ultrasound hehehe pacontest kaya ako sa inyo noh? huhulaan nyo gender ng magiging baby namin tapos ang price money transfer to paypal. what do you think? :grin:

Newer Posts »

20 queries. 0.377 seconds. Powered by WordPress 2.6.3 Hits today: 23