Lihim-ni.scarty.com

July 22, 2008

Bagong Stroller ni Freya!

Filed under: Anakies Ko, Kwentuhan, Mga Litrato — Tags: , , — Scarty @ 4:28 pm

Spoiled much? Hindi naman… Binili lang namin kung ano yung mapakinabangan nya ng matagal. Maganda sya and I love it so much for Freya. Durable, lightweight, hindi masyado malaki at higit sa lahat girly ang kulay hehehe. Tinapon na namin yung isang stroller kasi nabili lang namin yun ng second hand hindi kasi makapag-antay ang daddy nya. Masyado excited ilabas si Freya nong mga 1 month pa lang sya. Luma na masyado yung stroller na yun. Kakarag-karag na and i cant take it anymore na ilagay pa si Freya dun. Its kinda expensive for $210 including tax sa stroller lang pero sige nalang worth it namn hehehe saka may kasama syang car seat na pwede ipatong sa stroller na magagamit nya hanggang mag 1 yr sya kung kakasya pa sya nyahahaha. Cute talaga ng stroller actually may natangap na agad akong compliments. Sabi ng nakakasalubong namin… “Cute baby, cute stroller” hehehe

March 28, 2008

Original picture…

Filed under: Mga Litrato, Pribado — Scarty @ 12:56 pm

Gusto ko lang ipakita yung original pictures ng Labor of Love ko… 8 months ang tyan ko dito nong kinuhanan ko sya mga 2 1/2 weeks ago hehehe tagal na noh? dalawang isip kasi akong i-post parang nakakahiya eh. Pero ito lang remembrance ko sa aking pagbubuntis simula kasi wala pa akong buntis na picture so ayun naisipan ko. Ipapa-frame ko nga pala yung version na edited from photoshop :D

[Private Content Removed]

December 26, 2007

5 months and 3 weeks

Filed under: Kwentuhan, Mga Litrato — Scarty @ 2:31 pm

My baby bump, matagal ko na dapat itong na-i-post. This pictures was taken 3 days ago. So medyo wala pa din pinag-kaiba ang laki ng tyan ko ngayon. Medyo nahihirapan narin ako huminga saka hindi na ako makakain ng madami kahit gusto ko pa. Feeling ko kasi parang lalabas na ulet ang kinain ko eh. Sobrang likot na ng baby sa loob ng tyan mas malikot pa kay Yuna. Minsan nahihirapan ako matulog dahil sa kalikutan nya. Ito ang weird sakin never ko talaga na-appreciate ang pagbubuntis. You know why? Una - nahihirapan ako kumilos, pangalawa - hindi ko nagagawa lahat ng gusto kong gawin at pangatlo - madalas unexpected ang pagbubuntis ko. Yung bang tipong wala sa plano kaya minsan medyo nakaka-depress. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na hindi ako masaya dahil pag lumabas ang baby umiiyak ako sa tuwa at excitement. Masarap kasi mag-karga ng baby. Masarap syang alagaan. Basta iba ang feeling kaya nga hindi na ako maka-antay na lumabas ang bagong baby namin. Iniisip ko ano kaya itsura nya? Kung lalaki ang baby namin ano kaya ang feeling ng may baby boy? Kamuka kaya nya si Yuna? or Kamuka sya ng daddy nya. Basta isa lang yan sa mga iniisip ko hehehe…

O sya ito na ang pictures ng tyan kong hubad hehehe suot ko dito yung maternity pants na bigay ni Noreen. Wag nyo pansinin yung CS surgery ko ha medyo panget tignan eh hindi bikini style pano si luvski tinanong ng doctor kung ano klaseng tahi hindi makasagot kaya ayan ang naging resulta. Ok naman din kahit hindi bikini style kasi parang line lang sya. Pag 8-month na tyan ko papicture ulet ako :wink:

Pahabol lang dito muna ako blog ngayon para mabilis kung sa scarty.com kasi kailangan ko pang basahin ng ilang beses para sa mga grammatical errors. Dito madali lang kasi tagalog hehehe
[Private Content Removed]

December 20, 2007

I-model daw eh!

Filed under: Mga Litrato — Scarty @ 8:33 pm

Dahil sa request nyo ito na yung pictures suot ang maternity clothes na bigay ni Noreen like ko talaga silang lahat kasi it made me sexy hehehe. Ang cute kasi ng mga damit… Muli pasensya na kasi may kalabuan ang mga litrato pano cellcam lang gamit k0. Hindi ko magamit ang point and shoot camera ko kasi walang memory card.

Sa susunod kong entry magpopost ako ng picture ng bare tummy ko kung gaano na kalaki :wink:

5 months and 3 weeks 5 months and 3 weeks

5 months and 3 weeks 5 months and 3 weeks

5 months and 3 weeks

20 queries. 0.177 seconds. Powered by WordPress 2.6 Hits today: 0