Regalo galing kay Noreen!
Kanina umaga dumating na ang package galing kay Noreen of Babykissed.net binigyan nya kasi ako ng mga maternity tops and pants. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nong makita ko ang mga bigay mo. Bukod sa kasyang-kasya sakin eh ang gaganda pa, talagang mapapakinabangang ko ito lalo na’t wala pa akong pera pambili ng maternity clothes at sobrang mahal ng maternity clothes dito. Wala akong mabili sa TJ max at Marshall dahil wala silang section for maternity. May kamahalan din kung bibili ako sa Old Navy at Gap. Maraming salamat talaga Noreen hulog ka ng langit hehehe at least nakamura na ako para sa kailangan kong bilhin. Ang bibilhin ko nalang ay yung winter boots para sa akin at kay Yuna. Kailangan namin talaga ng boots dahil madulas ang daan dito sa kapal ng snow tapos yung ibang apartment hindi naglilinis ng paligid nila. Naiipon lang yung snow sa daanan ng building
Balik tayo sa mga bigay ni Noreen, binigyan nya ako ng apat na maternity pants at apat din na maternity tops. Maraming salamat talaga Noreen ang gaganda nila, i like it very much. hahaha ang kulet ko eh noh? paulet-ulet… Natutuwa lang talaga ako at nagkaron ako ng kaibigan tulad ni Noreen. Kanina sinuot ko na sya, nagpunta kami ni Yuna sa Martket Place para bumili ng fresh milk, white bread and rice. Excited eh noh sinuot agad
Ito nga pala mga pictures ng maternity clothes, pasensya na at malabo eh cellcam kasi tapos ngayon gabi ko lang kinuhanan kaya madilim.


Ang gaganda pa nila ano? Swerte ko talaga hehehe