Lihim-ni.scarty.com

August 22, 2008

Ayoko na! Sawa na ako!

Filed under: Walang Kwenta — Scarty @ 1:15 am

OK wala lang bigla lang ako napaisip na ayoko na ng may ka-hate na tao. Nakaka-stress talaga! tama si Noreen. Hindi ko nalang papansinin… pero pano? Ah ewan bahala na si batman at si spiderman. nakkss may kasama na si batman hahahha para akong buang noh? Meron akong plano na pilit pinursige sakin ni luvski pero ayoko sabihin yoko ma-jinx nyahahahha may ganun pa akong nalalaman eh. O sya sige babush!!

August 13, 2008

Para sa taong kinaiinisan ko!

Filed under: Walang Kwenta — Scarty @ 1:20 pm

Para ito sa taong kinaiinisan ko hahahaha daanin nalang sa ganito ang pagkainis kesa ma-stressed out ako :P Yung highlighted part is yun ang swak para sa kanya hahahha

Silvertoes by PNE

Wag ka nang magalala
Hinding-hindi ako inlab sayo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo

Miss, miss, pakitigil lang please
Ang iyong pagpapantasya
Hindi ka na nakakatuwa
Ipapagulpi na kita sa gwardyang may batuta
AAaaaa…yay yay yah…….

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo ay sabik sa iyo ang lahat nang kalalakihan
Sorry, pagpasensyahan mo na
Mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo
Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento

Chorus:
Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champurado
Di kami naaakit sa labi mong garabucho…
O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka ‘pinanganak
Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama
Siguro nga naman ay may mga mas pangit pa sayo
Pero at least hindi sila nagpapakyut katulad mo
Nakaka-bad-trip ka, nakakairita tuwing kita’y nakikita
Di ko alam ba’t ang laki ng ulo mo
Magingat-ingat ka, baka ikaw ay sagasaan ko

Refrain:
Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champurado
Di kami naaakit sa labi mong garabucho…
O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka ‘pinanganak
Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama

O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka ‘pinanganak
Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama
AAaaaa…yay yay…..

footenote:
Karakas - KALOOBAN!

July 24, 2008

Busyyyyyy Bubuyog ako!

Filed under: Walang Kwenta — Scarty @ 3:34 pm

Waaa medyo busyhan mode dahil panay punta namin sa park ng mga kids. Kailngan sulitin ang summer dahil lapit na naman ang winter. Makukulong na naman sa bahay. Saka pabalik-balik din kami sa clinic para sa followup ng ipin ni Yuna at rashes ni freya. At isa pa, sira daw internet namin sabi ni comcast. Sobrang bagal!!! 48 yrs bago matapos ang buong homepage sa pag-load. Wala tuloy ako magawa online kundi bisitahin isa isa mga blog ng friends ko. Isang tab lng pwede hindi ari yung multiple tab nyahahahha. Madalas ako sa flickr nag-uupload ng pics at nagcocoment :D

July 18, 2008

Happy ako kasi…

Filed under: Walang Kwenta — Tags: — Scarty @ 10:55 pm

Masaya ako…

Kasi gumaling na yung eczema ni Freya at sana wag ng bumalik.
Kasi hindi na mahirap alagaan si Freya.
Kasi hindi na masyado iyakin si Freya.
Kasi hindi na mahirap kargahin si Freya. Pwede ko na sya ilagay sa gilid ng bewang ko hihihi
Kasi na-upgrade ko na yung scarty.com at itong tagalog blog ko sa WP 2.6
Kasi gumana lahat ng plugins ko dito lalo na yung mga ginamit ko para sa private entry ko. Yehey!!!!
Kasi nakatangap na ulet ako ng bayad sa mga ginagawa kong paid post. Ipapadala ko yun amin :D

January 21, 2008

Nakakainis talaga!

Filed under: Pribado, Walang Kwenta — Tags: , — Scarty @ 12:10 pm

[Private Content Removed]

Newer Posts »

20 queries. 0.308 seconds. Powered by WordPress 2.6 Hits today: 0