Moving on…
O kala nyo kung ano, ano? hehehe balak ko na ilipat ang blog na ito sa dollie network kasi ang scarty.com eh masyado ng crowded. Nakahost din ang photoblog ko dun at isa pa madalas dun din ako nag-uupload ng pictures para ipost sa blog ko, de lang yun pati mp3 nag-uupload din ako. So, magandang ilipat na ngalang mga entries ko dito sa dollie network. Hindi ko pa sya maasikaso ngayon dahil wala ako sa mood mag-ayos-ayos ng theme or magkalikot-likot ng codes. Madalas ako mag-update sa scarty.com dahil sa mga sponsored post ko panget naman kasi kung pure sponsored nalang ang andun so kinakailangan ko talaga syang i-update. Dito naman kasi sa blog na ito ay puro deep thoughts ko ang sinusulat ko mga saloobin kumbaga. At isa pa kung hindi ko ilipat mga entries ko dito sa dollie network eh hindi ko na alam ano isusulat ko dun ayaw ko naman maging private blog lang.
So ayun, nga pala kilala nyo ba si Christine ng HappySlip.com? Alam mo tuwang tuwa ako sa blog nya kasi napakatotoong tao nya hindi katulad ng ibang blogger gumagawa ng kwentong hindi naman totoo para lang mapag-usapan. Nakakatuwa ang blog nya kasi may video blog din kasama. Saka natural yung pag-act nya sa mga videos nya. Ang galing din kumanta with matching gitara pa. At ito pa medyo hawig nya si Noreen hehehehe. Nasa pinas nga pala sya ngayon kasi binigyan sya ng sponsorship ng Philippine tourism. Pano naman kasi sikat na ang blog nya kaya ayun pati sikat din sya sa youtube.
O sya hanggang dito nalang at kami ay manunuod ng movie ni Luvski day-off kasi nya bukas. Ito nga kanina pa ako kinukulet eh ![]()
i love dollie network. ♥
hehe. thanks sa pag-share ng site nya.
ang cute and interesting!
Comment by claire — January 28, 2008 @ 12:52 pm
uyyyy, ganda ganda naman ng site nya, nakakainspire hehee. talaga kamo, nagbasa ako ng archives nya, nakakatuwa hindi nakakasawa! paminsan minsan maganda kasi mag videoo blog eh nakakatuwa panoorin. she’s a real person talaga, you can see it from her site. add ko sya sa links ko hehee thanks for sharing this great link
take care, ate scart..
OT:
ay about nga pala sa comment mo na hindi ka na masyado nakakadalaw, naiintindihan ko naman yun eh, nakakatuwa mag audio comment sa iba, kahit ako natutuwa kaso may error ata pag nag sa submit ako. and yeah, sa blogger lang ako, and I understand sometimes nakakatamad mag comment lalo na hindi ka nakakarelate diba hehee. no worries…
xoxo
Comment by kitty — January 29, 2008 @ 3:57 am
kilala ko si Happy Slip!!! ^__^ I am a fan of hers too… may DVD pala sya ng mga online videos nya… hanapan kita ng copy… ^__^ di nako nakasali sa dollie network… puno na kasi when I visited ate val’s site.. hehe pero ok lang siguro kasi I don’t get to go online much anyway… ay yun pala tanong ko… sabi kasi na yung internal memory daw ng host ko too low… nag-ask ako sa customer service pero di ako nirereplyan… waa… ano yung internal memory na yun? kasi ang nangyayari ate pag sa site host yung image di sya nagshoshow… so yung mga images kailangan pa namin i-host sa mga photo-hosting site para gumana… ano kaya yun?
Comment by Jais — January 31, 2008 @ 3:04 am
@jais: kasi nga mababa yung memory na naghost sayo. blogger ba yan? o hosting company? There’s no other choice but to transfer to another hosting company or to be hosted to another blogger na nag-offer ng free hosting like valerie
sana maayos na yan jais sobrang baba naman kasi ng memory nong naghost sayo.
Comment by scart — January 31, 2008 @ 1:55 pm
yeah, lolz nainterview na nga din sya sa isang Filipino na talk show dito sa atin diba?
Comment by lin — February 21, 2008 @ 2:08 am
Oy kamukha ko ba? matagal kona nakita blog nya pero di ko alam ano itsura nya masilip nga bwahahaha
Comment by Noreen — March 13, 2008 @ 10:38 am