Masaya ako…
Kasi gumaling na yung eczema ni Freya at sana wag ng bumalik.
Kasi hindi na mahirap alagaan si Freya.
Kasi hindi na masyado iyakin si Freya.
Kasi hindi na mahirap kargahin si Freya. Pwede ko na sya ilagay sa gilid ng bewang ko hihihi
Kasi na-upgrade ko na yung scarty.com at itong tagalog blog ko sa WP 2.6
Kasi gumana lahat ng plugins ko dito lalo na yung mga ginamit ko para sa private entry ko. Yehey!!!!
Kasi nakatangap na ulet ako ng bayad sa mga ginagawa kong paid post. Ipapadala ko yun amin
Ang tagal kong hindi nag-blog simula nong nanganak ako hindi na ako nakapag blog dito. So, ito susulat ulet ako dito pero kahit ano nalang itong blog na to wala ng rules para sa akin. Pero itong parin ang private blog ko 4ever and ever hehehe alam nyo naman ako. Ako yung tipong hindi mahilig magpa-palit-palit ng blog. Kung ano yung domain magtatagal yun. Saka ayoko kasi ng ganun pa-iba-iba baka mamya malito na sakin mga tao.
So anyways, nong nakaraang araw ay galing kami clinic pina-checkup namin mga bata at tulad nong nabangit ko sa scarty.com nagpa-dental checkup si Yuna at Freya naman pinacheck namin yung kanyang rashes na hindi naman pala rashes. Ayun kay doc eczema daw yun isang uri ng sakit sa balat na kelangan gamutin. 13 lbs na si Freya sabi ni doc ang bilis daw ng paglaki nya. Saka malakas daw mga buto nya kasi akalain mo ba naman pinaupo nya sa hita nya tapos hawak lang nya yung isang braso ni Freya tapos ngumiti lang sa kanya si Freya habang kinakausap. Ang cute cute daw ni Freya syempre tuwa naman si Mommy. Happy baby daw si Freya, meron daw syang baby girl, 9 months, grumpy daw nong kasing edad ni Freya. Sabi ko naman susko doc… She’s actually a fussy baby” sabi naman nya baka daw dahil iritable sa eczema nya. Nakikita naman daw kasi nyang masayahin si Freya. Smile kasi ng smile nong kinakausap nya.
Ito rekomendado nya:
Para sa eczema ni Freya na akala namin eh ordinaryong rashes lang.

Goodbye Johnson and Johnson na si Freya ito na ang bago nyang lotion at bath soap kasi oversensitive daw skin nya.

Ito naman ang para sa damit nya matapang daw yung ginagamit namin Tide para sa kanya.

Gusto ko lang ipakita yung original pictures ng Labor of Love ko… 8 months ang tyan ko dito nong kinuhanan ko sya mga 2 1/2 weeks ago hehehe tagal na noh? dalawang isip kasi akong i-post parang nakakahiya eh. Pero ito lang remembrance ko sa aking pagbubuntis simula kasi wala pa akong buntis na picture so ayun naisipan ko. Ipapa-frame ko nga pala yung version na edited from photoshop
[Private Content Removed]
[Private Content Removed]
O kala nyo kung ano, ano? hehehe balak ko na ilipat ang blog na ito sa dollie network kasi ang scarty.com eh masyado ng crowded. Nakahost din ang photoblog ko dun at isa pa madalas dun din ako nag-uupload ng pictures para ipost sa blog ko, de lang yun pati mp3 nag-uupload din ako. So, magandang ilipat na ngalang mga entries ko dito sa dollie network. Hindi ko pa sya maasikaso ngayon dahil wala ako sa mood mag-ayos-ayos ng theme or magkalikot-likot ng codes. Madalas ako mag-update sa scarty.com dahil sa mga sponsored post ko panget naman kasi kung pure sponsored nalang ang andun so kinakailangan ko talaga syang i-update. Dito naman kasi sa blog na ito ay puro deep thoughts ko ang sinusulat ko mga saloobin kumbaga. At isa pa kung hindi ko ilipat mga entries ko dito sa dollie network eh hindi ko na alam ano isusulat ko dun ayaw ko naman maging private blog lang.
So ayun, nga pala kilala nyo ba si Christine ng HappySlip.com? Alam mo tuwang tuwa ako sa blog nya kasi napakatotoong tao nya hindi katulad ng ibang blogger gumagawa ng kwentong hindi naman totoo para lang mapag-usapan. Nakakatuwa ang blog nya kasi may video blog din kasama. Saka natural yung pag-act nya sa mga videos nya. Ang galing din kumanta with matching gitara pa. At ito pa medyo hawig nya si Noreen hehehehe. Nasa pinas nga pala sya ngayon kasi binigyan sya ng sponsorship ng Philippine tourism. Pano naman kasi sikat na ang blog nya kaya ayun pati sikat din sya sa youtube.
O sya hanggang dito nalang at kami ay manunuod ng movie ni Luvski day-off kasi nya bukas. Ito nga kanina pa ako kinukulet eh 