Lihim-ni.scarty.com

January 28, 2008

Moving on…

Filed under: Kwentuhan — Tags: , — Scarty @ 1:39 am

O kala nyo kung ano, ano? hehehe balak ko na ilipat ang blog na ito sa dollie network kasi ang scarty.com eh masyado ng crowded. Nakahost din ang photoblog ko dun at isa pa madalas dun din ako nag-uupload ng pictures para ipost sa blog ko, de lang yun pati mp3 nag-uupload din ako. So, magandang ilipat na ngalang mga entries ko dito sa dollie network. Hindi ko pa sya maasikaso ngayon dahil wala ako sa mood mag-ayos-ayos ng theme or magkalikot-likot ng codes. Madalas ako mag-update sa scarty.com dahil sa mga sponsored post ko panget naman kasi kung pure sponsored nalang ang andun so kinakailangan ko talaga syang i-update. Dito naman kasi sa blog na ito ay puro deep thoughts ko ang sinusulat ko mga saloobin kumbaga. At isa pa kung hindi ko ilipat mga entries ko dito sa dollie network eh hindi ko na alam ano isusulat ko dun ayaw ko naman maging private blog lang.

So ayun, nga pala kilala nyo ba si Christine ng HappySlip.com? Alam mo tuwang tuwa ako sa blog nya kasi napakatotoong tao nya hindi katulad ng ibang blogger gumagawa ng kwentong hindi naman totoo para lang mapag-usapan. Nakakatuwa ang blog nya kasi may video blog din kasama. Saka natural yung pag-act nya sa mga videos nya. Ang galing din kumanta with matching gitara pa. At ito pa medyo hawig nya si Noreen hehehehe. Nasa pinas nga pala sya ngayon kasi binigyan sya ng sponsorship ng Philippine tourism. Pano naman kasi sikat na ang blog nya kaya ayun pati sikat din sya sa youtube.

O sya hanggang dito nalang at kami ay manunuod ng movie ni Luvski day-off kasi nya bukas. Ito nga kanina pa ako kinukulet eh :roll:

20 queries. 0.159 seconds. Powered by WordPress 2.6.3 Hits today: 8